Intro: Isa to sa mga pinapagawa sa Malikhaing Pagsulat sa Filipino 10 (MPs 10) under kay Sir Vlad. Pinasulat niya sa amin ang mga games/sports na nilalaro namin XD. Tapos pinabunot niya sa amin Inassign niya kami kung anong klaseng tula ang gagawin namin: sonnet or villanelle. Pinabunot rin niya kami ng mga concepts, e.g. utang na loob, kamatayan, pagmamahal, pagkabigo, etc. Yung topic para sa tula ay iko-connect ang game na sinulat namin sa concept na nabunot namin, tas yung tula ay isustructure sa form na naassign sa amin (e.g. sonnet ng baraha at kamatayan, villanelle ngwater polo at paglisan, villanelle ng jackstone at utang na loob, etc.). Yung sa akin naman ay soneto ng word factory at katamaran.
Janine N. Cambangay
2009-08236
MPs 10 THX1
Enero 11, 2011
Vladimeir B. Gonzales
Soneto; Laro: Word Factory; Konsepto: Katamaran
Sadyang Ayoko na Talagang Mag-isip
Habang tinitingnan, mga letra sa grid,
Unti-unting nauubos ang buhangin.
Mga salita ay kelangang hanapin,
Sadyang ayoko na talagang mag-isip.
Wala ‘kong mahanap ni isang salita,
Kalaro ko ay matagal nang sumulat,
Utak ko’y mahina, kamay ko’y makupad.
Ako’y nakatunganga, tulala, tanga.
E… e… e… e… e… e… e… e… e… e… e… e…
F… f… f… f… f… f… f… f… f… f… f… f…
F… f… f… f… f… f… f… f… f… f… f… f…
E… e… e… e… e… e… e… e… e… e… e… e…
“Time’s up!” Gising kaagad! Buhangi’y ubos.
Nagulantang dahil wala akong sagot.
Sidenote:
Comment ng prof ko sa 4th line ng 1st stanza, “Nakapag-isip ka nga, eh!”
Weird yung 3rd stanza, no? Ay naku, mahabang kwento. Basta, comment ng prof ko sa 3rd stanza, “DAYA!”
ROFL. XD